Sunday, October 22, 2017 01:41 AM
Travel          Hotels Hotels         Tours Tours         Car Rental Cars         Events Events         Flights Flights         Cruises Cruises         Events Refer
Business Name, Category, Keywords
City Name or Zip Code ex: Los Angeles, CA

ECBS Emergency Text Alerts Ready With NDRRMC and SMART

Posted last March 23, 2017, 11:20 pm in People report article

Mga KABABAYAN, alam po natin na ang ating bansa ay madalas tamaan ng mga delubyo lalo na sa epekto ng pagbabago ng klima. Dahil po dito ang pamahalaan ay nakipagtulungan kasama ang SMART Communications para makapagbigay ng ECBS na sa ingles ay - Emergency CELL BROADCAST System.

Meron nang digital TV broadcast na pang emergency pero mas maganda pag direkta na sa cellphone mo. Mas marami sa atin may dalang cellphone mapa Android or Apple IoS. Kaya napakalaking tulong na meron kang EMERGENCY WARNING ALERTS para malaman mo kaagad kung ano ang mangyayari at kung ano ang dapat gawin. Ito ay pwedeng magligtas ng buhay mo at ng iyong pamilya sa mga delubyo gaya ng baha, bagyo, lindol, tsunami at iba pa sapagkat ang ilang minuto na babala ay malaking tulong.

Dito ang maganda ay panoorin po ninyo ang YouTube video na nasa kanan para matutunan kung paano paganahin sa inyong cellphone or smartphone ang ECBS Emergency Text Alerts.

Pag ang inyong cellphone ay luma o legacy na pwede pa rin ito gumana sa mga darating na araw. Ang signal na ito ay iba sa data at dumadaan sa cell broadcast system na ginastusan ng SMART communications ng P500M pesos, ayon kay NOVA CONCEPCION na siyang Senior Manager for Community Partnerships ng SMART COMMUNICATIONS.

Ayon kay USEC Jalad ng NDRRMC ang mga ibang TELCOS gaya ng GLOBE ay susunod na rin upang magkaroon ng EMERGENCY ALERT SYSTEM sa buong bansa.

Ito ang bunga ng R.A. 10639 - FREE MOBILE DISASTER ALERTS ACT na dapat lahat ng TELCOS o kumpanya ng pang komunikasyon ay may serbisyong libre para magpadala ng mga TEXT ALERTS sa kanilang mga kustomer sa panahon ng may padating na kalamidad o delubyo.

Ang mga iba ibang ahensya ng bansa ay kasama dito gaya ng lokal na pamahalaan at kasama ang PAGASA, PHILVOLCS, PNP, AFP, DOH, BOF, at iba pa na ang kabuuang tawag ay mga WARNING AGENCIES.

Umaksyon na KABAYAN at pakisabi sa inyong mga kaibigan, kapamilya, at kapitbahay ang ECBS TEXT ALERTS. Malay niyo ito ang makapagliligtas ng inyong buhay.

 

Reference:

Future Perfect episode March 22, 2017

TFCIPTVBox.com