Monday, December 18, 2017 03:11 PM
Travel          Hotels Hotels         Tours Tours         Car Rental Cars         Events Events         Flights Flights         Cruises Cruises         Events Refer
Business Name, Category, Keywords
City Name or Zip Code ex: Los Angeles, CA

Douglas Hagedorn Tampok sa Palaweno

Posted last April 26, 2016, 3:32 am in News report article

IBAYONG tumatampok sa Palaweno ang kandidatura ni re-electionist Congressman Douglas S. Hagedorn bunsod ng napakaraming proyektong pang-imprastruktura, programang pangkalusugan, pangkabuhayan at scholarship program  ang naisakatuparan nito para sa ikatlong distrito ng Palawan.

Sa unang termino ni Douglas Hagedorn bilang kongresista  sa Puerto Princesa City at sa bayan ng Aborlan ay  kanyang naisagawa ang may 279 infrastructure project na nagkakahalaga  ng mahigit dalawang bilyong piso.

Katuwang ng kongresista  ang Department of Public Works and Highway sa pagpapasikad ng proyekto sa kabila ng pagkaalis ng Priority Development Asistance Fund para sa mga mambabatas.

Kabilang sa mga proyektong naisagawa ay ang may 49 na pagpapasemento, pag-aspalto at pagpapalapad ng kalsada; pagtatayo at rehabilitasyon ng may  10 tulay, konstruksiyon ng may 10 multi-purpose building, 75 school buildings; anim na covered gym at may 110 water sanitation facility toilet.

Ayon kay Rep. Hagedorn, lubos niyang pinasasalamatan si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa pagbibigay nito ng suporta upang maisakatuparan ang mga proyektong farm-to-market road na naglalayong mapabilis ang daluyan ng kalakal at  paglalakbay ng mga tao para ibayong mapaunlad ang ekonomiya ng lalawigan.

Katuwang naman ng kongresista ang Commission on Higher Education sa pagkakaloob ng scholarship program na nabiyayaan ang mahigit 3,000 mag-aaral ng Palawan State University at Western Philippine University.

Sa serbisyong medikal ng kongresista ay natulungan ang may  2,814 katao, na ginamot sa Ospital ng Palawan (ONP), at mahigit 5,000  out-patient.  Ang panustos  sa programang medikal ay nakalap ni Cong Hagedorn sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at institusyon at minsan sa personal nitong pananalapi galing ang ayuda.

Napagkalooban din ng kongresista ang naturang ospital ng kagamitan pang-medikal gaya ng X-ray machine, auto acoustic hearing machine, ECG, ultrasonic pocket Doppler at iba pa.

Naipatayo ni Cong. Hagedorn ang may limang health clinic, na may kaukulang kagamitang pang-medikal, sa liblib lugar sa bawat barangay sa bayan ng Aborlan at Puerto Princesa. Kapag muling nahalal si Douglas Hagedorn bilang kongresista ay puntirya nitong makapagpatayo ng health clinic sa lahat ng barangay ng ikatlong distrito ng Palawan.     #