Monday, June 26, 2017 06:19 AM
Travel          Hotels Hotels         Tours Tours         Car Rental Cars         Events Events         Flights Flights         Cruises Cruises         Events Refer
Business Name, Category, Keywords
City Name or Zip Code ex: Los Angeles, CA

Matagumpay na gulayan at bulaklakan sa QC, dinarayo

Posted last August 17, 2012, 2:01 am in Food report article

Matagumpay na gulayan at bulaklakan sa QC, dinarayo

WALANG HUMPAY na dinarayo ng mga estudyante, guro, inhinyero, mga kawani ng gobyerno, sundalo, pulitiko, at kahit mga dayuhan ang Gulayan at Bulaklakan Research and Training Center sa Barangay Holy Spirit, Quezon City. Katangi-tangi ang Center sa pagsasagawa at pagtuturo ng organic farming na ginamitan ng compost mula sa sariling Materials Recovery Composting Facilities (MRCF) ng naturang barangay.

Matutunghayan dito ang sari-saring pananim na pinayabong sa paraang organiko, gaya ng patola, mani, sibuyas, celery, lettuce, strawberry, chili, cabbage, okra, snake gourd, at iba't-ibang klase ng bulaklak.

Tampok na rin sa international community ang Gulayan at Bulaklakan. Kabilang sa mga dumayo na dito ay walong Senador ng Indonesia, walong professors ng University of Tokyo, na nagsagawa ng theses ukol sa urban gardening. Bumisita rin ang foreign news bureau ng CNN at BBC at ipinalabas nila sa kanilang programa ang katangian ng naturang proyekto.

Ayon sa agriculturist na si David Balilla, ang pangunahing layunin ng Center ay ang maibsan ang gutom at kahirapan, maiwasan ang mga sakit at malnutrisyon, mapanatiling malinis at maganda ang kapaligiran, at higit sa lahat ay mabawasan ang itinatapon na basura.

Sa pagpapasikad ng programang gulayan ay halos araw-araw na nagsasagawa ng seminar si Balilla, sa pagtuturo ng planting at composting techniques. Naglulusad din siya ng seminar sa iba’t ibang barangay sa Kamaynilaan at sa mga lalawigan.

Ang Gulayan at Bulaklakan ay sinimulan noong 1998 sa pangunguna ni Barangay Holy Spirit Chairman Chito Valmocina, pagkaraan ng seminar sa Solid Waste na kasama sina Dr. Met Palaypay at Former Cong. Dodgie Osabel. Katuwang ni Chairman Chito sa taniman ang mga maralitang pamilya na kasapi sa Samahan ng Munting Manggugulay ng Holy Spirit.

Sa ngayon, ang organikong pananim ay ginagamitan ng sariling compost mula sa material recovery composting facility (MRCF) na ipinagkaloob sa Brgy. Holy Spirit ng Asian Development Bank. May nakalagak ding isang solar irrigation pump para sa mga panananim na nakatitipid ng 40% ng konsumo sa kuryente.

Ang tinatayang 2.3 ektaryang lupa para sa proyekto sa Republic Avenue ay bahagi ng National Government Center (NGC). Ilang bahagi nito ay pag-aari ng BF Homes Subdivision at Banco Filipino na lumagda sa isang Memorandum of Agreement upang ilaan ang lupa para sa naturang  taniman.

Related Link: http://www.alagad.com.ph/special-cross-sectoral-concerns/73-solid-waste-management-best-practices/636-gulayan-at-bulaklakan-sa-qc-dinadayo.html

Pictures courtesy of Makoto Kataoka.